Sa Puso Mo Ang Simula

Sa puso mo ang simula

19 Mayo 2013

 

 

Nais kong sumulat ng tula (ng pag-ibig)

                dahil ibinigay mo ang tinta;

                binuhay mo muli sa’kin ang haraya,

                sa’yong mundo na ang Katotohanan ay tunay na mukha.

 

Ang iyong pag-ibig ang nagpasulat

                sa akin upang tumula:

                imahe mo ang naging talinhaga;

                simbolismo mo’y naging tugma;

                ang Salita mo ang nagpaunawa.

 

Pag-ibig ang sinulat kong tula

                dahil ‘di ko mahagilap ang salita

                sa Kapangyarihan mong kay hiwaga.

                O, Ikaw ang buhay sa aking tula

                Kaya sa puso mo ako magsisimula.

Advertisements
Posted in Uncategorized | Leave a comment

ako ang sagot

 

may lugar ba

ang kawalan?

(at)

may tunog ba

ang katahimikan?

ngayon ay sandali ng katanungan

bakit ko ako pinahihirapan?

Posted in Uncategorized | Leave a comment

katahimikan at kawalan

binibikig mo ang aking tinig

habang binibigkis mo ang aking dibdib

umaapaw Panginoon ang aking puso

dahil sa aking luha at Iyong Pag-ibig

Posted in Uncategorized | Leave a comment

Para kina di, isay at meng

Palagi na lang

kayong nangangahas

sa taludturan

at itinatago

sa talinhaga

ang mga kahulugan

 

… Nakamamangha

dahil habang kayo’y kasama

ang kahulugan ay malayang

tumatalamsik sa aking diwa

 

(whahahaha! 😀 )

Posted in Uncategorized | Leave a comment

PapaliitPapalii…

Papaliit

Papaliit

unti-unti

ako ay Iyong pinipino

ga-buhangin

ga-alabok

ga-tuldok 

mula sa aking makasalanang anyo

dinudurog mo ako

(O, Panginoon!)

 

O, kayliit ko Panginoon

at walang halaga

ngunit ga-tuldok kong pagkatao

ano’t  Iyong nakita pa?

 

dinakot mo ako’t sinalok

sa Iyong kamay pinagpala

iniahon mula sa aking kinalalagyan

iniangat ng Iyong Grasya’t Pagmamahal

pinino upang buuin sa Iyong bagong hulmahan

 

Aside | Posted on by | Leave a comment

 Halos ga-bayw…

 

Halos ga-baywang ako’y nakalubog

sa tubig, Panginoon, na tila isang ilog

walang anu-ano’y Liwanag Mo’y aking natagpo

mula sa malayo – palapit, palapit (O, Diyos!)

nagniningning sa busilak na tubig Ika’y lumukob

lumalapit, sa katauhan ko’y bumalot

 

sa isang bangka ako’y pumanaog

sa tubig ding iyon, pumalaot

pagkamangha sa aki’y sumaklob

sapagkat nakakaandar kahit walang tungkod

o maliit na kawayan sa tubig ay panghagod

 

at muli kitang nakita, ako’y Iyong ginigiya

mga bisig Mo pala ang nakapulupot

sa unahan ng bangka, dahilan ng pag-usog

Ikaw pala ang naging sagwan ng aba mong lingkod

O, hindi ako karapat-dapat ng Iyong Pagod

subalit ang sumumpong sa akin ay ang Iyong Pag-irog

 

 

10 Mayo 2012

 

Aside | Posted on by | Leave a comment

Gusto mo ba yan…

Gusto mo ba yan?

Sigurado ka na ba?

 

Aside | Posted on by | Leave a comment